Saturday, July 31, 2010

Daloy Ng Aking Buhay



 
Kahit noon pa ma’y napapatanong na
Ano ba talaga --- Pagtuturo o Abogasya?
Bata pa ma’y napapaisip na
Kung sabi-sabi ng iba ay mahalaga.


Pag-iisip ko’y sadyang litung-lito;

Kinabukasan ay hindi mapagtanto
Kaya humingi sa mga magulang ng payo
Naliwanagan at nasabing “Opo”.


“Kung gusto mo nang maayos na kinabukasan,

Nursing ang kukunin,” ako’y pinagsabihan.
Hindi mabigat sa aking kalooban
Kasi panggagamot nga’y gusto ko rin naman.


Nang pumasok sa kolehiyo;

Mga bagong mukha ang nasilayan ko.
Nakipagkaibigan at nakipaghalubilo
Sa saya ay walang katalu-talo.


Dumaan ang taon at ang bukas ay natanaw

Parang mga asignatura ay pahirap nang pahirap sa bawat araw.
Ang puso’t isip ay napukaw
Kailangan magsumikap, mag-aral at pagbutihan ang bawat galaw.


Ang makapagtapos sa Nursing ang s’yang dalangin;

Ang makatulong sa mga magulang ang s’yang mithiin.
Kahit anong pagsubok man ay susuungin
Kung para sa pamilya lahat ay gagawin.


Pero sa ngayon, sumusunod lang ako sa daloy ng buhay

Pasasaan ba’t maaabot din ang ligayang tunay
Kung sipag, determinasyon at dedikasyon ang taglay
At sa Diyos ay may takot at sa Kanya humingi ng gabay.


No comments:

Post a Comment