Buhay ang loob kong linangoy at sinisid ang pinakailalim ng bughay na ilog na iyon. Pinigil ang hininga sabay labas ng mga bula mula sa aking bibig at ilong na para bang mga babasaging lobo na nabitiwan at unti-unting umaangat patungo sa mga ulap na kasing puti ng mga nyebe kasabay ang ihip ni haring hangin.
“Bulls eye!” ang aking nasambit sa isipan nang tumusok ang aking dalang sibat sa isang malaking isdang tilapia. Bata pa lamang ay mulat na ako sa buhay na muntikan nang magdildil ng asin kung ‘di lamang sa kasaganaan ng ilog na ito. Nandito na lahat pwera na lang sa syokoy at sirena.
Pumaibabaw ako sabay ang pagtaas ng aking sibat na may isda.”Tingnan n’yo ‘tong nakuha ko!” sambit ko na nakangiti hanggang tainga.
“Naku! May panghapunan na tayo” ang naging sagot naman ng aking among palagi na lang kayod kalabaw para sa aming pamilya. “Galing mo talaga anak! Para kang sirena kung sumisid” ang patuloy niyang sabi.
“Mga anak! Kain na” ang sabi ng aking ina na halos araw-araw kinakatihan ng dila dahil sa aking makulit na kapatid.
Tatlo kaming magkakapatid at pang-gitna ako. Dalawa na lang kaming buhay sapagkat namatay na ang aming panganay na babae dahil sa pagkalunod sa ilog na naging huling hantungan na rin niya sapagkat hindi na nakita ang kanyang bangkay. Natandaan ko pa ang kasagsagan ng bagyong yaon na s’yang naging dahilan sa pagkawala ni ate. Inanod ang aming bahay ngunit sa kasawiang palad, natangay ang aking kapatid habang natutulog. Hanggang ngayon, namimiss na namin ang mga halakhak ni ate na dongondong ng kulog sa aming mga tainga.
(sampung taon ang lumipas)
“Aling Loura, pabili po ng nagaraya”, ang aking narinig na paki-usap mula sa batang laman sa lansangan.
Sa pustora ng bata, masasabi kong nasa edad 6-8 anyos s’ya at hinahabol s’ya ng sabon tingnan marahil sa mga maiitim na alikabok galing sa usok ng kalye at sa bagong tayo na pabrika ng goma.
Nakita ko ang bata na itinapon ang supot ng nagaraya sa ilog matapos nitong kainin.
“Hoy bata! Alam mo bang mali ang ginagawa mo. Hindi mo ba nabasa ang naka sulat sa karatola? “ sabay turo at basa sa nakasulat.
“Huwag magtapon dito ng basura
Basura ang dahilan ng pagkawasak ng kalikasan
Kalikasan na s’yang nagbibigay sa atin ng tahanan
Tahanan na puno ng saya at kasaganaan”
Basura ang dahilan ng pagkawasak ng kalikasan
Kalikasan na s’yang nagbibigay sa atin ng tahanan
Tahanan na puno ng saya at kasaganaan”
“Eh .... Paano ko naman mababasa yan. Ni hindi nga ako marunong sumulat ng aking pangalan.” ang tugon ng bata. “ Tingnan mo nga ale yong ilog, ginawa nang tambakan ng basura.” Pagpapatuloy n’ya, sabay ang malakidlat na takbo.
Doon napaisip ako, masaganang-masagana ang buhay ng ilog na ito noon. Maaari kang maligo, uminom, maglaba, mangisda at marami pang iba….ngunit sa paglipas ng panahon, lumaki ang populasyon kasabay ang pagtubo ng mga establisyimento at ang unti-unting pagkaubos ng mga isda sa kadahilanang maraming pabaya na mamamayan: mamamayang gumagamit ng “cyanide” sa pangngisda, mamamayang ginagamit ang ilog bilang kubeta, mamamayang pumuputol sa mga naglalakihang puno sa kagubatan na s’yang pumipigil sa pagbaha tuwing malakas na pagbuhos ng ulan, at lalong lalo na ang mga mamamayang nagtatambak ng basura dito sa ilog. Lalong lumala ang kalagayan ng ilog nang ipinatayo ni Don Havas, may-ari ng havaianas, ang pabrika ng goma malapit sa rito. Isang kalapastangan para sa ilog ang pagtapon ng mga kimikal sa kanya mula sa pabrika. Kaya ngayon, wala nang maski isang bakas ng buhay ang makikita rito. At ang dating masigla, makulay, at dalisay na ilog ay ngayo’y naging matamlay, walang kabuhaybuhay at kulay tsokolate na.
Malapit na ang eleksyon at panahon na ng pangangampanya ng mga kandidato. Marami na rin akong napapansing mga dinidikit na posters sa mga pader, poste ng kuryente, likod ng traysikel at mga sasakyan. May mga kandidato na nagsusuot nang kulay dalandan, dilaw, at berde. May mga nababasa rin akong mga pantawag pansin sa mga botante, kagaya ng : “Kung walang kurapsyon, walang mahirap”, ”Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan’’ at ang nagpatawa sa akin ay ang linyang “Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising” ….. may koneksyon ba sa eleksyon? Malamang napakahina ng ulo ng taong boboto sa kanya.
Pagkatapos ng halakhakan naming magkapamilya sa panonood ng showtime sa TV, unti-unti ko nang narinig ang papalakas na mga dabog ng mga naglalakihang bafols na nakapwesto na sa gitna ng kalsada para sa rali ng isang tumatakbong pulitiko. Nasa ganitong mga oras ang programa, sapagkat libre ng pananghalian ang mga taong pupunta sa rali.
Nang papalabas na ako sa pinto, tinawag ako ni itay at pinagsabihan.
Nang papalabas na ako sa pinto, tinawag ako ni itay at pinagsabihan.
“Anak, nasa wastong edad ka na at pwede ka nang bumoto. Nasa iyong mga kamay ang maaring kahahantungan ng ating bayan kaya’t kailangan mong igihan ang pakikinig sa bawat sasabihin nila. Lalasingin ka nila sa kanilang mga dilang matatamis.” tugon ni itay. “Ang mga balak ng tao ay sa puso nagmumula,ngunit nanggagaling sa Panginoon ang tugon ng dila.” ang patuloy ni itay.
Namulat ang aking natutulog na isipan sa sinabi n’ya. Tumango lang ako, hindi na nagsalita, at nagpatuloy sa paglalakad hanggang narating ko ang ginaganapan ng programa.
Sa isang malapad na upuan, umupo ako. May nag abot ng isang supot ng mainit na kanin at isang malamig na na ulam – adobong manok, sa akin. Tinanggap ko ito bilang respeto sa kadahilanang tapos na akong kumain ng pananghalian. Ilang minuto ay nagsimula na ang programa. Sinimulan ito sa pagpapakilala sa mga kandidato na nasa kanilang partido.
“Mga mahal kong mga kababayan. Ako ang inyong lingkod Atty. Pricopio Sintonado…..kung ako ang inyung iboboto, wala nang mahihirap, sapat na edukasyon para sa kabataan at trabaho para sa mamamayan….” halos isang oras na pagsasalita, unti-unting nababagot na ang mga tao base sa kanilang mga mukha.
“….. ibabalik ko ang hustisya sa gobyerno sa inyo sapagkat ang gobyerno ay nilikha ng tao, galing sa tao at para sa tao.” ang patuloy ni attorney.
“….. ibabalik ko ang hustisya sa gobyerno sa inyo sapagkat ang gobyerno ay nilikha ng tao, galing sa tao at para sa tao.” ang patuloy ni attorney.
Nang pwede nang magtanong, itinaas ko ang aking kamay para matawag ang kanilang atensyon. Tumayo ako, bilang representante ng aming barangay at bilang isang konsern na mamamayan ukol sa kalagayan nang aming ilog. Ako ay nagtanong, “Ginoo, papaano mo masasabing ‘yan ang problema ng ating lugar na sa katunayan nga’y hindi mo nabigyang solusyon ang problema ukol sa ilog sa nakaraan mong termino? At ‘di po ba, na sa maliliit na problema nabubuo ang malalaking problema?”
Datapwat alam kong ako’y isang ordinaryong mamamayan lamang, dapat kong ilabas ang aking mga saloobin dahil alam kong karapatan kong malaman kung ano ang kaya n’yang patunayan kung talaga bang karapatdapat s’yang iupo sa posisyon.
“um…um… Alam ko na ang problemang ‘yan….um..um…eh.. Kung ako ang iboboto n’yong muli, masusulosyonan ‘yan…. Wag n’yong kalimutan Atty. Sintonado for mayor!” ang pautal-utal na sagot ng kandidato.
Sa aking pagkadismaya, naisip ko na bakit kaya ang lakas ng loob ng mga taong ‘to tumakbo kung wala naman maibubuga. Tuloy nalungkot ako at umalis na lang.
Takip-silim na nang dumaan ako sa may ilog, huminto at napagtanto ko sa aking sarili, “May magandang bukas pa bang masisilayan ang susunod na henerasyon? Oh! Mahal kong ilog, na parang nilubugan na ng araw, masisilaya’t-masisilayan mo rin ang sinag ng iyong noo’y napakasaganang katubigan.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nadatnan ko ang parehong bata na nagtapon ng supot sa ilog na naglalakad sa daan.
“Bleeeeeh!” ang panunukso n’ya.
Hinawakan ko ang kanyang balikat at sinabing, “Bata, hindi ko nais ipahiwatig na masama ka, ngunit hindi mabuti ang pagtapon mo ng basura kanina.”
“Hindi ko na uulitin”, sabay ngiti.
“Bleeeeeh!” ang panunukso n’ya.
Hinawakan ko ang kanyang balikat at sinabing, “Bata, hindi ko nais ipahiwatig na masama ka, ngunit hindi mabuti ang pagtapon mo ng basura kanina.”
“Hindi ko na uulitin”, sabay ngiti.
“Huhuhuh…huhuhuh”, ang nadatnan kong pag-iyak sa aming tahanan.
“Giorgina…anak huwag ka nang umiyak” tugon ni nanay sa aking baklang umiiyak na kapatid.
Bumulalas pa si Giorgina sa pag-iyak pagkatapos sinuyo ng inay.
“Huhuhuhuhu…huhuhuhuh”, ang patuloy na pag-iyak niya.
Nagalit ang nanay sabay sigaw, “Sige! Ayaw mong tumigil,lakasan mo pa ang pag-iyak!”, ang galit na galit na sambit ng ina.
Biglang napatahimik si Giorgina at wala nang kibo.
“Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Kung papatigilin mong umiyak, lalong iiyak pero kung sasabihan mong umiyak pa, tatahan na. Tsk…tsk…tsk…”, pagpapatuloy ni inay.
Nagmano ako kay nanay pagdating ko sa loob.
“Mag ayus-ayos na kayo at kakain na tayo” sambit ni nanay.
Sa hapag-kainan, si ama ang namuno sa panalangin sabay sabing, “Panginoon namin,salamat sa mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw at sa masarap na pagkain na nasa aming hapag-kainan ngayon….. h’wag n’yo sanang hintulutang magpatuloy na ang kasamaan ang maghari at ang kabutihan ang malagay sa alanganin. Sanay huwag nyo rin pong ipagkait ang pag-asa sa aming mga puso. Siya nawa.”
“Giorgina…anak huwag ka nang umiyak” tugon ni nanay sa aking baklang umiiyak na kapatid.
Bumulalas pa si Giorgina sa pag-iyak pagkatapos sinuyo ng inay.
“Huhuhuhuhu…huhuhuhuh”, ang patuloy na pag-iyak niya.
Nagalit ang nanay sabay sigaw, “Sige! Ayaw mong tumigil,lakasan mo pa ang pag-iyak!”, ang galit na galit na sambit ng ina.
Biglang napatahimik si Giorgina at wala nang kibo.
“Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Kung papatigilin mong umiyak, lalong iiyak pero kung sasabihan mong umiyak pa, tatahan na. Tsk…tsk…tsk…”, pagpapatuloy ni inay.
Nagmano ako kay nanay pagdating ko sa loob.
“Mag ayus-ayos na kayo at kakain na tayo” sambit ni nanay.
Sa hapag-kainan, si ama ang namuno sa panalangin sabay sabing, “Panginoon namin,salamat sa mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw at sa masarap na pagkain na nasa aming hapag-kainan ngayon….. h’wag n’yo sanang hintulutang magpatuloy na ang kasamaan ang maghari at ang kabutihan ang malagay sa alanganin. Sanay huwag nyo rin pong ipagkait ang pag-asa sa aming mga puso. Siya nawa.”
No comments:
Post a Comment